Send your own stories at pglovestory21@gmail.com

Sunday, August 31, 2014

Tiyo Lando

TIYO LANDO-CHAPTER  1

(ANG PAGLAYA)

“anak makikituloy daw muna dito pansamantala ang Tiyo Lando mo hanggat wala pa syang nakikitang permanenteng trabaho”

Pagbabalita ni aling Teresita kay Allen habang nag aagahan ang mag-ina, si Rolando o Lando ay panganay na kapatid ni aling Teresita at nakatakdang lumabas sa kulungan sa kasong illegal possesion of fire arms, sa kaibigan nito talaga ang nahuling baril malas lang nito at sa kanya ito napag abutan ng mga pulis, halos limang taon din itong nakulong at dahil na rin sa nangyari ay iniwan ito ng kanyang asawa ng walang sabi-sabi, mabuti na rin lang at wala pa silang anak.

“nasabi nyo na po ba kay tatay?” Tanong ni Allen sa ina, ang kanilang padre de pamilya na si Mang Rodrigo ay sampung taon ng OFW sa Saudi taunan ito kung magbakasyon, halos limang taon lang si Allen ng makipagsapalaran ito sa ibang bansa.

“oo nak, okay lang naman daw at least may kasama tayong lalaki dito sa bahay at sa panahon ngayun nagkalat ang masasamang loob, di bat nitong nakaraang araw nga lang ay may pinasok na bahay dyan sa kabilang kanto, kaya ikaw anak ha bawas bawasan mo yang paglalaro ng computer na ginagabi ka na at madalas walang tumatao dito pag pumapasok ako sa trabaho” Mahabang litanya ni aling tere sa anak

“kasi naman nay kung ibinibili nyo na ba naman ako ng computer di dito nalang ako palagi sa bahay, mabait naman akong anak, matataas ang grades ko saka cute pa” Hirit ni Allen sa ina

“nako di ba nga anak pangako naman ni tatay mo na pagkatapos mo ng high school saka ka nya bibilan” Sagot ni aling Tere habang abala sa paghahanda ng babaunin nitong tanghalian, mananahi ito sa pabrika na malapit lang sa kanilana lugar, matagal na itong pinahihinto ng kanyang ama sa pananahi upang sa bahay nalang nila ito maglagi lalo nat hindi naman na ganun kahigpit ang pangangailangan nila sa pera simula ng mag trabaho ito sa ibang bansa, ngunit dahilan ng kanyang ina ay naiinip ito sa bahay at takot naman itong magnegosyo kaya  pag ganitong bakasyon ay mag isa lamang ni Allen sa kanilang bahay, pumapasok ito ng alas otso at umuuwi ng alas sais ng gabi.