Send your own stories at pglovestory21@gmail.com

Sunday, July 13, 2014

BESTMAN (BASED ON A TRUE STORY) CHAPTER 1

By: Cris Scott

Telepono - 2004

“Gusto ko ng mamatay!”

Eto ang unang mensahe na natanggap ko ng makilala ko sya sa isang blogsite na pwedeng maaccess thru mobile phone. NOKIA pa ang hari ng mobile phone industry at patok na patok pa ang mga polytones, wallpapers at mga 9-sec video scandals.

“Bakit, ano ba ang nangyari? I-share mo lang saken, makikinig ako. Huwag kang magisip ng kung ano ano, kasalanan yan. Masarap ang mabuhay. Ano ba ang nangyari?” sabi ko sa kanya.

“Iniwan ako ng mahal ko. Akala ko OK kami, akala ko walang iwanan, akala ko hindi nya ako bibitawan. Ang dami na naming mga plano, mga pangarap sa buhay, pero nawala na lang syang bigla saken, ang sakit sakit. Sobra, hindi ko na talaga kaya!”

“Iniwanan ka pala nya. May third party ba na involved dito? Mas BF na ba syang bago?”

“Wala bro, hindi ko alam. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko ng mamatay!”

“Bro, umiyak ka lang. Iiyak mo lang lahat ng sama ng loob mo. Hindi ako expert sa ganitong bagay kasi hindi pa naman ako nainlove ng sobra. Pero sa situation mo ngayon, OK lang na ilabas mo ang lahat ng sama ng loob mo. Hayaan mo na lang muna sya. Ayos lang na umiyak ka ngayon pero huwag mo aaraw arawin, masakit sa mata yan, hahaha! Pinapatawa lang kita, pero seryoso bro. Hayaan mo na lang muna sya, let HER go. Marami pang babae sa mundo. Kung ano man ang reason kung bakit ka nya iniwan, definitely malalaman rin naten yan in time. Sabi nga nila, what you don’t know won’t hurt you. Let her go na lang muna bro,” sabi ko sa kanya.


“Thanks bro. Hay..ang hirap lang kasi, akala ko sya na talaga. Pasensya kana sa kadramahan ko, wala lang talaga akong makausap ngayon. Ang hirap kasi ng situation ko, magisa lang ako dito sa room ko sa dormitory. Wala akong makausap.”

“No problem bro, it’s a pleasure to help someone in need.”

“Bro, wag ka muna mawawala ha? Usap pa rin tayo parati dito,” habol nya.

“Sure, walang problem bro. Madalas naman akong online dito, hehe. Masaya dito kasi madaming free ringtones, games at video scandals, hahaha!”

“So, friends na tayo? Salamat sa pakikinig sa drama ko.”

“Sure bro, walang problema. Ah, ako nga pala si Neil, 18 year old, from Batangas. I am a Marketing student from a state university. Ikaw ba?”

“Thanks bro. I am Tom, 19, from Nueva Ecija. I am an Engineering student, sa isang state university rin bro. Pleased to meet you!”

“Nice, engineer! Galling mo siguro sa Math! Hahaha!” Nakaukit na kasi sa isip ko na kapag Engineer, madalas na magagaling sila sa Math, kaya bilib na bilib ako sa kanila, hehe.

“Hindi naman, sakto lang bro.”

“So paano, sa susunod ulet. Medyo late na rin kasi at maaga pa ang klase ko bukas. Huwag ka muna papakamatay bro, masyado ka pang bata. Isipin mo na lang ang madaming babaeng iiyak kapag nawala kana. Ikaw rin, sayang ang DNA mo. Hahahaha!”

“Haha, loko loko. Oo bro, salamat ulet. Goodnight! Bukas ulet ah?? J”

“Sure bro, walang problema. Goodnight!”

Ini-off ko na ang mobile internet ko sa aking Nokia phone at nahiga na. Nakakatuwa naman, may natulungan akong tao. Sana nga hindi sya magpakamatay. Buti na lang hindi pa ako naiinlove ng sobra sobra, hehe. Ano kayang pakiramdam nun?,” sabi ko sa sarili ko.

Madami pang mga tao akong nakakausap sa site nay un, pero sya ang nagstand out sa lahat. Ikaw ba naman ang imessage ng isang tao na hindi mo man lang kilala na GUSTO NA DAW NYA MAMATAY, eh ewan ko na lang kung hindi yung tumatak sa isip mo!

Dumaan ang mga araw, mas naging madalas ang kwentuhan namen. Sobrang sarap nyang kausap. Pakiramdam ko, parang magkakilala na kami matagal na. Andyan yung paguusapan namen ang favorite food namen, mga places na napupuntahan, mga subject, size ng family namen at kung ano ano pa. Hindi nawawala ang kanyang “good morning bro!,” “kamusta kana bro,” at iba pang mga messages. Aaminin ko, naging daily routine na namen ang magusap at magbatian. Madalas, magsisimula ang chat session namen ng 8pm at aabutin kami ng 2AM. Para kaming mga sabik magusap parati.

One time, napagusapan din namen ang plano nya na sumali sa isang group sa school nila. Meron daw “initiation” na kailangan, so syempre alam na naten kung ano yun.

“Bro, alam mo, sa lahat ng ginagawa ng mga fraternities na yan or ano mang group na yan, hindi ko pa rin maisip ang logic behind that paddle sa likod sa mga hita. Bakit? Masakit kaya yan. Mapalo ka nga ng nanay mo sa puwet ang sakit sakit na eh, paddle pa kaya!”

“Bro, ganun talaga. For me, the paddle represents the hardships, the challenges and obstacles we need to go through before we achieve something great. Lahat ng bagay sa mundo, hindi mo pwedeng makuha at makamit sa madaliang paraan lang. You need effort, at hindi lang basta effort, kailangan mong paghirapan yan. Isipin mo na lang kung walang initiation, siguro ang dami dami ng members ng mga groups na basta basta na lang. This is like a process of elimination and selection,” paliwanag nya.

“I believed there is no such thing as free lunch naman, pero masakit kaya yun! Saka isa pa, alam mo naman ang may mga incidents na mga namamatay dahil dyan sa initiation rites na yan. Hindi talaga ako pabor dyan. Anyway, wala naman frat sa school namen at lagi naman akong solo flight sa school namen, except sa mga girls na gusto akong makausap,  pero I don’t mind being alone in the school kesa naman sumali sa isang group na may sakitan pa,” ang brat kong paliwanag, hehe.

“Thanks bro sa pagaalala pero sasali talaga ako. Hindi lang eto basta basta na group.”

“Ok ikaw ang bahala, hehehe.”


Dumaan ang mga araw at naging sobrang close na namen ni Tom. Actually, para ko na nga syang bestfriend kahit hindi pa kami nagkikita. At ganun din naman ang turing nya saken. Sobrang naging malalim ang samahan namen dalawa kahit sa chat at sms lang kami nakakapagusap. Hindi kami nauubusan ng topics na pwedeng pagusapan – politics, current affairs, school subjects, mga experiences sa professors at mga high school teachers, scholastic achievements. Maging personal na buhay namen, mga future plans, wildest dreams (pati wildest sex experiences) ay kasama na rin!

Pakiramdam ko, kulang ang araw kapag wala syang message saken.


2005

“Bro, wala ka bang balak na magkita tayo? Ang tagal na naten naguusap pero hanggang ngayon, wala pa rin tayong idea sa mga itsura naten! Hahaha!” sabi nya saken.

“Naku naman, ang layo kaya naten sa isa’t isa. Tapos wala pa naman din akong enough cash dito para pumunta na Manila. Pang allowance lang ang pera ko. Siguro kapag nagkaroon na tayo ng work, saka tayo magkita. OK lang naman siguro noh?” sagot ko sa kanya.

“Ayos lang bro, walang problema. Pero at least, describe mo naman saken ang itsura mo.”

“Hmm..sige bro. OK, 5’5” ang height ko, napapagkamalan akong nagpupunta sa gym kasi maganda naman ang built ko, smiling face palagi, hindi nagsusuklay ng buhok at palaging mabango, hahaha! Ano ba pa, mahilig akong magluto bro, magbasa ng books, nagsusulat din ako at mahilig din ako sa music. RnB and mga oldies ang gusto ko, hehe. May mga nagkakagusto rin naman saken, mapababae at bakla, so I think gwapo naman ako, hahaha! Ikaw ba?”

“Ako, 5’6” bro. slim built, medyo moreno kasi may farm kami sa lugar namen, minsan tumutulong ako. Isa pa, lumalaban ako sa mga swimming competitions kaya medyo napabayaan ang kulay ko, haha! Kagaya mo, marami rin naman nahuhumaling saken na babae, walang bakla, kaya tingin ko pwede naman akong lumaban sa kapogian mo! Hehehe!”

“Yun naman pala eh, sige tingnan na lang naten bro kapag nagkita tayo ng personal, ok ba?” sabi ko sa kanya.

“SIge bro, kaso kelan kaya yun mangyayari noh? Mamaya kasi, bigla ka na lang magsawa saken at hindi kana magmessage saken. Nakakalungkot kapag nangyari yun. Malaki ang naging part mo sa buhay ko bro, kaya sana magstay ka lang. Wala sanang iwanan,” paliwanag nya saken.

Ang drama naman neto, sa isip isip ko lang. Pero naappreciate ko, ang sweet nga eh, hehe. “Sure bro, walang iwanan. Magkikita pa nga tayo diba? Tingnan naten kung talagang pwede kang makipagcompete sa kakisigan ko, hahaha!”

“Hindi ko alam bro, pero parang may nararamdaman na ako para sayo. Tingin ko mahal na yata kita,” biglang sabat nya saken.

“Hahahahaha! Hindi pa nga tayo nagkikita tapos mahal mo na ako agad? Siguro kapag nakita mo na ako, baka mas mahalin mo pa ako lalo, hahaha!”

“Seryoso bro. Ikaw lang ang tumanggap saken kung ano man ako. Ikaw ang palaging andyan sa tabi ko noong mga panahon na sobrang down ako at gusto ko ng mawala. Sa dami ng napagusapan naten tungkol sa buhay, sa mga pangarap ko. Andyan ka lang parati, kahit na sa sms lang tayo naguusap at sa chat. Hindi ko yata kayang mawala ka pa saken bro. I love you bro”

Hala, ano ano na ba tong pinagsasabi saken ni Tom. Hindi ko yata to kayang sakyan pa, hindi ako ready sa ganitong situation. Wala pang nagsabi saken ng I LOVE YOU na lalaki. Pano ko ba eto sasagutin?

Hindi muna ako nagreply sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nagulat ako. Alam ko, lalaki ako at alam kong straight ako (noon yun). Madami akong mga babaeng nakakalandian, nakakahalikan, nakaka one night stand. May mga babaeng nagpaparamdam ng interest saken at may mga babaeng gustong gusto akong kasama kapag nasa school ako. Hindi ako mahilig sa mga lalaki, pero naging comfortable ako kay Tom, kahit na sa chat at text lang kami nagkakilala. Kahit na hindi pa kami nagkikita, parang may something sa kanya na hindi ko maiwasan at diko kayang iwanan. Brotherly love? Siguro. May isa akong kapatid na lalaki ngumit hindi namn kami close kasi lumaki sya sa lola ko. Tama, siguro ganun lang ang tingin ko sa kanya.

“Bro? Totoo yan, mahal na kita. Sana huwag kang mawawala saken, please..”

Sige na nga, replayan ko na nga sya.

“Bro, thanks. Sobrang naappreciate ko ang pagpapahalaga at LOVE na binibigay mo saken. Ang totoo, ikaw lang ang lalaking naging sobrang kaclose ko. Hindi ako mahilig sa lalaki at wala ako masyadong kaibigan na lalaki pero iba ka sa kanila. There is something in you na wala sa mga kakilala kong lalaki. Hindi ko alam kung ano yun, pero panatag ako kapag kausap kita. Safe ang pakiramdam ko, masaya at tingin ko kahit anong sabihin ko at ikwento ko sayo, kababawan man or seryosong bagay, tiyak na makikinig ka saken. Salamat sa pagmamahal bro. You are like an older brother to me J,” yun ang nasabi ko sa kanya.

“Kuya? Older brother lang?”

“Oo, kuya. Big bro.”

“Hindi Neil, mas mahal kita higit pa dun!”

“Ano bang gusto mong mangyari Tom? Pwede ba naman mangyari yun, magkausap tayo everyday pero hindi pa nga tayo nagkikita, tapos mahal mo na ako ng more than a brother? Pwede ba yun mangyari?”

“Eh sa yun ang nararamdaman ko para sayo eh. Hindi ko naman madiktahan ang puso ko, alam kong may mali pero may magagawa ba ako? Tuwing naguusap tayo, Masaya ako. Nakakalimutan ko lahat ng problema ko. Naging isang malaking parte ka ng buhay ko alam mo ba yun? Please, bigyan mo naman ako ng chance. Bigyan mo ako ng chance na maiparamdam ko sayo na mahal kita, na importante ka saken, higit pa sa kapatid.”

Matigas ang ulo nitong si Tom ah.

“Ok, sige. Granted na pumayag akong maging tayo, then what? Anong mangyayari saten? Magkalayo tayong dalawa, pareho tayong lalaki, hindi mo pa nga ako nakikita man lang kahit anino ko, tapos ganyan agad? Mahal agad? Bro, OK naman na ganito na lang tayo, magbestfriend, magkapatid. Sana hanggang dun na lang, please? Hindi ako ready sa set up na gusto mong mangyari. Hindi ako bisexual or bading. Babaepa rin ang gusto ko at gusto ko magpakasal. Naguguluhan ka lang siguro sa ngayon Tom, pero mawawala rin yan. Trust me.”

“Hindi Neil, iba ‘to. Ganito ang naramdaman ko sa ex GF ko noon.”

“Hala, wag mo sabihing may plano ka na naman magpakamatay ah! Hahahaha! Tom, we are good friends. Importante ka saken, ayoko rin mawala ka saken. Pero sana maintindihan mo ako. Hindi ako mawawala, hindi kita iiwan. Pero magbestfriend tayo, magkaibigan tayo.”

“Hay..naiintindihan ko Neil, pasensya ka na saken. Siguro nga, mawawala rin ito. Pero salamat, at least nasabi ko sayo ang nararamdaman ko. I love you bro.”

“Adik ka Tom, huwag ka ngang I love you ng I love you dyan, baka kiligin ako dito, hahaha!”

“I love you Neil, I love you Neil, I love you Neil..I love you bro..”

Hala, mukhang patay na patay na nga si mokong saken. Ang hirap naman neto, pero sige lang. Wala na akong magagawa, kung yun ang gusto nyang sabihin palagi. Isa pa, wala namang damage masyado kasi hindi pa naman kami nagkikita sa personal. Hayaan ko na lang sya. Basta para saken, bestfriend ko sya.

“Hi Tom, pasok na ako. Ingat ka palagi bro! Usap tayo later pagkalabas ko ng school.”

“Hello Neil, nasa school na rin po ako. Magiingat ka parati ha? Huwag kang papatuyo ng pawis sa likod mo, huwag kang magskip ng breakfast at lunch. Saka ingat ka sa pagtawid tawid sa kalsada.”

“Opo Kuya Tom, hehehe!”

“Mahal kita Neil, lagi mong tatandaan yan..”

“Maghihintay ako sayo Neil, subukan mo lang. Kahit hindi pa tayo nagkikita, hindi ka magsisisi saken. Aalagaan kita at mamahalin. Basta subukan mo lang, magtiwala ka lang saken, please..”

Hindi na ako nagreply. Ang hirap replayan eh, at ayokong umasa sya saken. Manhid yata ako kahit noon pa.

Consistent si Tom sa pagmemessage at pagsasabi ng I love you saken. Walang palya, araw araw. Kinikilig na nga ako minsan hehe. Minsan naiisip ko, what if subukan ko? What if maging kami? Wala namang masama, ramdam ko naman na mabuti syang tao. Pinagkakatiwalaan ko naman sya, at higit sa lahat, mas mahal nya ako. Since palagi rin naman kaming magkausap at naguupdate sa mga ginagawa namen araw araw, try ko kaya? Bahala na nga.

No comments:

Post a Comment