Send your own stories at pglovestory21@gmail.com

Sunday, July 13, 2014

BESTMAN (BASED ON A TRUE STORY) CHAPTER 2

By: Cris Scott

Mid 2005 - When I Met You

“Neil, pupunta kami sa Batangas, may aattendan kami na  binyag. Kasama ko ang BF ko at isang kaibigan. Sana magkita tayo, excited akong makita ka.”

Eto naman si Rico. Isa rin syang kaibigan na nakilala ko sa parehong blogsite kung saan ko nakilala si Tom. Sobrang bait din ng taong eto at sobrang sweet (pero hindi pa rin tatalo sa level ni Tom, hehe).  Sa chat lang din kami naguusap at magkasundo kami kasi mahilig at magaling syang maghack ng iba’t ibang contents sa internet. Sarap nga eh kasi andaming free stuff like appliations, songs, games. Ah, isa syang bisexual at inamin nya saken na gusto nya akong matikman, hahaha! Kahit na may BF na sya, may landi pa rin syang gusto nyang iparanas saken. Ako naman, curious. Wala pa akong experience sa lalaki noon, as in zero. If ever, sya ang makakauna saken. Gwapo daw ang BF nya at lagi nyang binibida saken. Ako naman, wala naman akong pakelam sa BF nya kasi sya si Rico naman talaga ang kaibigan ko.

Dumating ang araw na magkikita kami sa Batangas. Maaga akong umalis ng bahay para tagpuin sila sa bus terminal. Pagkababa na pagkababa pa lang ng bus, nakita ko na agad ang tatlong lalaking magkakasamang bumaba ng bus. Napansin ko agad ang isang lalaki na kilala ko – schoolmate ko sya! Aries ang name nya at isa syang HRM student. Kami ang unang nagkabatian, hehe.


“Oh pre, ikaw pala ang binanggit saken na kakilala ni Rico. What a small world nga naman noh?” sabi ni Aries saken.

“Oo nga eh, akalain mo nga naming magkaibigan din pala kayo ni Rico.”

Nakita ko si Rico, 5’7” ang height nya, maputi, may balbas at bigote at may itsura rin (syempre mas gwapo ako). Lalaking lalaki ang itsura, kilos at salita. Hindi mo mapapagkamalan na may BF. Agad kaming naghand shake at kamustahan.

“Ang gwapo naman pala talaga ni Neil, sabi ko na nga ba eh!” banggit ni Rico.

“Hahaha! Oh well, ganyan talaga,” pagyayabang ko.

Nasa tabi lang nya ang isang lalaking tahimik lang. Mas gwapo sya saken, 5’6” ang height nya, maputi, at medyo maangas ang style. Iba syang makatingin saken, pakiramdam ko parang balak nya maghamon ng suntukan.

“Ah, Neil, eto pala si Edward, BESTFRIEND KO. (may diin talaga ang BESTFRIEND ng banggitin nya saken.)

“Uy, kamusta ka?” ang magisi kong bati. Hindi ko sya gusto actually kasi ang suplado nya, lamang lang saken ng 3 paligo pero feeling nya ang gwapo gwapo nya.

“Mabuti naman Neil,” matipid na sagot ni Edward.

Hindi ko na pinansin si Edward, nagaspanggan ako sa ugali. Yun na ang una at huli naming paguusap ni Edward ng araw na yun.

Magkatabi kami ni Rico habang si Aries at Edward naman ang nasa loob ng tricycle. Kwentuhan, bigayan ng tips at sites na madaming links ng freebies at songs. Madami kaming nagpagusapan ni Rico. Sobrang bait nya at sarap din kausap.

Noong dinner, mabilis kaming kumain ni Rico. Plano kasi namen na lumabas at maglakad lakad sa labas. Bilog kasi ang buwan noon at ang lamig sa labas, sobrang peaceful ng ambiance. Iniwan lang namen sa loob ng bahay sina Aries at Edward.

Napansin ko bigla ang celfone ko, sobrang dami na ng mga messages at missed calls from Tom! Hindi na ako nakareply man lang sa kanya kasi naging sobrang busy ako kay Rico.

“Hi Tom, andito ako actually sa isang lugar sa Batangas, medyo mahina ang signal kaya hindi ako makareply. Wala rin akong dalang battery at charger kaya tinitipid ko ang battery ko. Usap na lang tayo bukas kapag nakauwi na ako. Magiingat ka palagi Tom.”

“Kaya naman pala hindi na ako pinapansin kasi may kasama naman palang iba, hehe. Ok lang Neil, basta magiingat ka parati ha? Saka huwag mong kakalimutan, mahal na mahal kita.”

“Salamat Tom, sige bukas na lang ha?”

Yun ang huli kong message sa kanya.

“Sino yun?” banggit saken ni Rico.

“Ah, kaibigan ko lang. Nagtatampo lang kasi hindi daw ako nagrereply or paparamdam man lang.”

“Ah ganun ba, baka naman BF mo rin yun?

“Hahaha! Gago! Wala akong balak. May GF ako ngayon.”

“Whew hindi nga Neil? Bakit hindi mo nabanggit saken yan?”

“Ah, hindi ka naman kasi nagtanong eh. Isa pa, huwag naman naten isali sa usapan yung wala dito. Akala ko ba gusto mo ko matikman Rico?”

“Excited! Hahaha, hanap lang tayo ng place. Mukha ngang malaki yan eh.”

“Wala pa akong experience sa lalaki Rico, at curious ako. Ikaw na ang bahala saken.”

Pumuwesto kami sa isang kubo di kalayuan sa bahay nina Aries. Doon kami nagtago, at doon ko naranasan ang pagpapasarap ng isang lalaki sa katawan ko. Kakaibang experience, hehe.

Noong matapos kami ni Rico, agad kaming nagsuot ng damit namen.

“Laki ng sayo Neil, nabulunan ako.”

“Hahaha, notorious yan Rico.”

“Parang katulad ng kay Edward lang, malaki din.”

“Sabi ko diba wag magbanggit ng taong na hindi naman kasama sa usapan. Pero since nabanggit mo sya, kanina habang kumakain, napansin ko nakatitig sya saken saka sayo. Ang sama nya makatingin pre, sabihan mo sya. Mamaya baka maupakan ko sya.”

Saktong pagkasabi ko noon ng biglang duamting sina Aries at Edward sa kubo mula sa bahay.

“Oh Edward, bakit anong nangyari sayo?” Hawak hawak kasi ni Edward ang ulo nya at mukhang balisa. Kahit na ganun ang itsura nya, mas gwapo pa rin sya kesa saken. Pero pakelam ko sa kanya, suplado kaya nya.

“Masakit ulo ko Rico, may dala ka bang gamot dyan?” sagot ni Edward.

“Oo Edward, nasa bag naten. Tara dun sa bahay.”

Sabay sabay na kaming umuwi ng bahay at natulog. Magkatabi kami ni Rico at magkatabi naman sila Edward at Aries.

Second night namen sa bahay nila Aries, naisipan namen na magpunta sa isang malapit ng beach. Buti na lang may kakilala silang tricycle driver kaya meron na kaming service. Kaming apat lang ang magkakasama.

Hatinggabi na yun, mataas at maliwanag ang buwan. Nasa dagat na kami at nageenjoy maglangoy. Masarap sa pakiramdam ang tubig at nakakarelax ang paligid kasi kokonti lang ang mga tao ng gabing yun. Hindi pa developed ang lugar kaya natural na natural talaga ang ambiance nya.

Naglalaro kami ng tayaan nila Edward, Rico at Aries. Si Aries ang taya ng sandali yun, nagulat na lang ako ng biglang may sumakay at yumakap sa likod ko. Si Edward pala!

“Tangina ang bigat mo pre! Baba kana!” natatawa kong sigaw kay Edward.

“Eto naman, naglalambing lang naman ako Neil, ang sungit mo,” sagot nya.

“Ano kamo?!”

“Naglalambing lang naman ako sayo Neil, sorry kung masungit ako kahapon sayo sa terminal. Ang sakit lang talaga ng ulo ko.”

“Ah yun ba, walang problema Edward, not an issue.” sarcastic kong sagot sa kanya.

“So friends na ba tayo?”

“Ah, eh..baka magselos si Rico, gwapo pa naman ako. Mamaya mainlove ka saken, may GF ako. Hahahaha!”

“Basta friends na tayo Neil!” nakangiti nyang sabi saken sabay baba sa likod ko. Medyo nasa malayong parte ng dagat si Rico at Aries kaya hindi nila narinig ang usapan naming dalawa.

“Sige na nga, friends!” sagot ko kay Edward.

Hindi ko alam pero bakit kakaiba ang ngiti at titig saken ni Edward. Pero hindi ko na lang pinansin yun.

Madaling araw na ng umuwi kami sa bahay nina Aries. Pauwi na rin kasi sila sa Manila.

“Sandali, picture picture muna tayo!” sabi ni Aries.

Handa na ang camera, kami na lang apat ang kulang. Todo ngiti naman kaming lahat, lalo na si Edward. Nagtakaka lang ako bakit dikit ng dikit saken si Edward ng oras na yun. Medyo iba na ang pakiramdam ko sa kanya kaya umiwas na ako, mahirap na. Mamaya magaway pa ang dalawa.

Inihatid ko ang tatlo sa bus terminal. Nagpaalaman muna kaming lahat at nagpicturan ulet sa terminal, hehe. Unang pumasok si Aries at si Rico, nagpahuli pa si Edward. Medyo malungkot ang mukha nya, parang iiyak or something pero hindi ko na tinanong kung ano ba ang problema nya o kung may problema ba.

Umakyat na sya ng bus, ngunit makaraan ang ilang segundo ay bumaba sya ulet. Akala ko may nakalimutan lang sya, ngunit lumapit sya saken.

“Oh, anong nagyari? Malapit na umalis ang bus, sumakay ka na kaya!”

“Neil, I promise babalikan kita.”

“Ha? Bakit? Nagtataka kong sagot.”

Hindi na sya umimik, pero tinitigan nya ako sa mga mata ko at parang may gustong sabihin. Iba ang mga titig na yun..matalas, makahululugan.

Umandar na ang bus. Kumaway ako sa kanila, hanggang sa makita ko si Edward sa bintana. Sobrang lungkot ng mukha nya at may sinabi. Parang nabasa ko sa bibig nya..

“Babalikan kita.”

Noong nakalayo na ang bus, kinapa ko ulet ang celfone ko. Andami messages ni Tom.

“Bro, miss na miss na kita. Bakit parang wala ka ng gana makipagusap saken?”

“Bro, uwi kana senyo. Usap naman tayo..Namimiss na kita..”

“Bro?”

“Neil?”

Hala, nawala na sa isip ko si Tom. Masyado akong nalibang kina Rico at Edward.

“Hi Tom, eto pauwi na ako ng bahay. Kamusta kana? Pasensya na, mahirap talaga ang signal sa location nila Aries, 100 years bago makapagsend ng message, hehehe! Namiss din kita mokong!” reply ko kay Tom.

“Ok lang yun Neil, sabi ko naman sayo, willing akong maghintay sayo, kahit gaano pa katagal..”

Hayan na naman sya, sa isip ko lang.

“Yun, Masaya naman ang binyagan, tapos nakilala ko pa mga bagong tropa. At mas malapit lang sila kasi taga Manila lang naman sila, hehe. Mas madaling puntahan if ever. That is, kung meron na akong funds haha!”

“Eh tayo, kelan mo tayo balak magkita Neil?”

“Basta, darating din tayo dyan Tom. Ano kaba, nagseselos ka ba? Ikaw kaya ang itinuturing ko ng bestfriend at big brother.”

“Asus, bolero ka. Kung hindi lang talaga kita mahal..hehehe.”

Natawa na lang ako sa usapan namen nin Tom. Hindi pa rin ako makapaniwala kasi hanggang ngayon sa LOVE na sinasabi nya saken. Parang imposible kasing mangyari. Pero pinapabayaan ko na lang.

“Basta Neil, tandaan mo. Mahal kita..”

“Thanks Tom, naappreciate ko sobra..”

“Ano ba naman yun. Ganun lang?”

“Hehe, eh alam mo naman kasi ang stand ko sa bagay nay an. Tsaka isa pa, may GF ako ngayon.

“Maghihintay pa rin ako. Pwede naman kaming sabay ah, hehehe! Biro lang!”

“Alam yan ang napapala mo kakausap saken eh, naaadik kana! Hahaha!

“Oo naman, adik na adik ako sayo. Hindi ko nga alam, sa dinami dami ng tao, bakit sayo pa ako nakaradam ulet ng ganito!”

No comment na naman ako. Hay..ayoko na ng takbo ng usapan. Hindi na lang ako magrereply.

“Nawala ka na naman. Bakit kapag sinasabi ko sayo na mahal kita, hindi ka na lang magrereply. Basta ka na lang mawawala..” sabi ni Tom.


May nagmessage. Unfamiliar number. Sino naman kaya eto?

“Hi Neil, kinuha ko ang phone number mo kay Rico. Nalulungkot ako alam mo ba?”

“Huh? Sino ka?”

“Si Edward po to. Nalulungkot ako kasi hindi man lang tayo nakapagbonding, na tayong dalawa lang. Mukha ka pa naman mabait at cool kasama. Sana may time pa tayo ulet sa susunod. Sana makabonding din kita.”

“Oh, ikaw pala yan Edward. Sure! Walang problema saken. Wala pa naman akong pasok ngayon, so siguro one time dalawin ko kayo sa Manila. Or pwede ka rin bumalik dito if you want? Hahaha!”

“Neil, sabi ko sayo babalikan kita. Gagawin ko yun.”

“Hahaha! Loko, ang layo kaya netong Batangas. Saka may work ka. Wala ka ulet time para dumalaw dito. Swerte lang na long weekends kayo ngayon kaya ka nakagala dito. Pero sige tingnan na lang naten.”

“Miss na miss na kita Neil..Seryoso..” sabi ko Edward.

Oh, ano naming drama to? Kanina si Tom, ngayon si Edward! Andaming nahuhumaling saken! Hahahaha

“Hahaha, ikaw ah. Baka mabasa ni Rico yang message mo, lagot ako sa kanya. Be faithful!”

“Ayoko na sa kanya Neil. Gusto ko na makatakas..”

“Oist umayos ka, ang bait bait nung tao. At sino naman pupuntahan mo aber? Ako? Sorry may GF ako at wala akong balak sa relasyong katulad ng sa inyo ni Rico. Umayos ka.”

Pero matigas rin si Edward, “Babalikan kita Neil..”


Magulong kausap ‘tong si Edward, sa isip ko lang.



No comments:

Post a Comment